7 bahay ng drug dealers sinalakay
August 12, 2002 | 12:00am
BAGUIO CITY Pitong bahay na pinaniniwalaang pinagkukutaan ng mga drug dealer ang ni-raid ng pinagsanib na puwersa ng 503rd Brigade Military Intelligence and Coordinating Officer (MICO) at pulisya sa Barangay Abu, Poblacion at Narvacan kamakalawa ng umaga.
Nakumpiska ng mga awtoridad ang labinlimang gramo ng shabu, drug paraphernalias, malalakas na kalibre ng baril pampasabog at hindi nabatid na bilang na bala ng baril.
Sa pahayag ni Army Brig. General Rodolfo Alvarado, naisagawa ang pagsalakay bandang alas-6 ng umaga noong Sabado, Agosto 10, 2002 sa bagong abandonadong mga bahay sa tatlong nabanggit na barangay.
Pansamantalang hindi ibinunyag ang mga pangalan ng may-ari ng mga bahay hanggang hindi naisasampa ang kaukulang kaso sa korte.
Nauna rito, napag-alaman sa ulat ni Northern Luzon Narcotics Office P/Supt. Orlando Mabutas na kalimitang ginagawang bagsakan ng droga at malalakas na kalibre ng baril ang dalampasigan ng Ilocos at Cagayan regions kaya pinamamatyagan niya ang naturang lugar. (Ulat ni Artemio A. Dumlao)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended