Sa ipinasang ordinansa na isinumite ni Councilor Dorothea Jane Sental sa konseho, sinasaad na ipinagbabawal ang pagbebenta, importasyon, paggawa, distribution, display ng pag-aari ng toy guns na kahawig ng tunay na baril.
Kahit na may existing rules sa ipinalabas na Letter of Instruction No. 1264 noong July 31, 1982 laban sa pagbebenta ng toy guns ay nanatiling nilalabag ang naturang kautusan kaya muling binuhay ni Sental ang ordinansa upang mapanatili ang katahimikan sa nabanggit na bayan.
Sinumang lumabag sa ordinansa ay papatawan ng halagang P500 hanggang P1,000 sa una at ikalawang opensa at ang ikatlo ay magbabayad na ng halagang P2,000 o kaya pagkabilanggo ng limang araw o kaya naman ay nasa discretion na ng korte ang ipapataw na kaparusahan.
Ang naturang ordinansa ay kasalukuyang nirerepaso ng Sangguniang Panlalawigan. (Ulat ni Artemio A. Dumlao)