Duwelo ng sikyu, 1 patay

Isang lalaki ang naiulat na nasawi pagkatapos itong barilin ng kapwa niya security guard kamakalawa ng gabi sa San Nicolas Green Valley Molino 3 Bacoor, Cavite.

Hindi na naisalba pa ang buhay ng biktima nang dalhin ito sa Las Piñas Medical Center na nakilalang si Wenceslao Vinzon, 33, binata, security guard, bandang alas-7 ng gabi na nakatalaga sa Green Valley San Nicolas.

Agad namang nakatakas ang salarin na si Jery B. Salmorin miyembro ng Dhar Security Force bago pa dumating ang mga pulis sa pinangyarihan.

Hinihinalang dati nang may alitan ang dalawang guard na nagbunsod sa naganap na pamamaril. (Ulat ni Lanie Mate-Sapitanan)

Show comments