3 mag-uutol patay sa road accident
August 10, 2002 | 12:00am
Capas, Tarlac Tatlong magkakapatid mula Ilocos Sur ang nasawi sa isang freak accident sa kahabaan ng MacArthur Highway sa Barangay Estrada ng bayang ito.
Kinilala ni PO1 Ferdinand Oligario-may hawak ng kaso, ang magkakapatid na sina Hilario, Cerila at Lloyd Ceria ng Barangay Patong, Masungal, Ilocos Sur.
Nabatid na ang mga biktima ay patungong Maynila at sakay ng isang Daihatzu Ferroza na may plakang TPJ-664 na minamaneho ng isang nagngangalang Luis Tapeseria.,
Dakong alas-3 ng madaling araw kahapon nang maganap ang aksidente nang isang north-bound Isuzu na may plakang WDM-553 at minamaneho ng isang Hernan Nicdao ng Barangay San Sebastian ang bumangga sa sasakyan ng mga biktima na naging dahilan upang mawalan ng kontrol sa manibela si Tapeseria at sumalpok sa isang kalapit na sari-sari store.
Kaagad na isinugod sa Concepcion District Hospital ang mga biktima gayunman ay agad ding nalagutan ng hininga ang mga ito.
Nasa grabeng kundisyon naman si Tapeseria sa Ramos General Hospital sa Tarlac City habang kasong reckless imprudence resulting to homicide ang kinakaharap na kaso ni Nicdao.(Ulat ni Benjie Villa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended