Bodega ng mga 'nakaw' na kotse ni-raid
August 9, 2002 | 12:00am
KAMPO HEN. ALEJO SANTOS, Bulacan Sinalakay kamakalawa ng hapon ng pinagsanib na puwersa ng pulis-Bulacan at Traffic Management Group (TMG) ang pinaniniwalaang bodega ng mga nakaw na sasakyan sa liblib na lugar na sakop ng Brgy. Camachilihan, Purok Uno, Bustos, Bulacan.
Sa naging pahayag ni P/Supt. Romeo Ver, hepe ng Bulacan PNP Traffic Management Group (TMG), naisagawa ang pagsalakay dakong alas-4 ng hapon sa tulong na rin ng mga barangay opisyal.
Nasamsam sa lihim na bodega na pag-aari ni Miguel Alvaro, alyas Mike ang siyam na kinatay na kotse, makina ng mga sasakyan, motorsiklo, 2 tangke ng acetylene, 2 compressor at mga pinagputul-putol na chassis na pinalalagay na ipagbibili sa mga surplus dealer sa Metro Manila.
Isinailalim naman sa masusing imbestigasyon ng mga tauhan ni P/ Sr. Supt. Edgar Acuña, Bulacan PNP provincial director ang mag-asawang Miguel at Ester Alvaro na nagsabing legal ang kanilang negosyong pinutol-putol na bahagi ng mga sasakyan. (Ulat ni Efren Alcantara)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended