Nakilala ang napatay na biktima na si PO1 Samuel Bernasol ng Antique-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), samantala, ang suspek na sumuko sa San Jose Municipal Police Station ay nakilalang si PO1 Peter Siopan na miyembro rin ng PNP-CIDG sa naturang lugar.
Napag-alaman sa ulat ng pulisya na nakarating kahapon sa Camp Crame, naganap ang madugong duwelo bandang alas-9 ng gabi sa nabanggit na lodge.
Sa hindi nabatid na dahilan ay biglang nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa hanggang sa kapwa nagbunot ng baril ngunit mabilis na naiputok ni Siopan ang kanyang baril at napuruhan naman si Bernasol.
May teorya ang mga imbestigador na babae ang pinagmulan ng krimen. (Ulat ni Danilo Garcia)