Triker nadedo sa pinaglaruang baril
August 9, 2002 | 12:00am
NAIC, Cavite Dahil sa pag-aakalang walang natirang bala ang pinaglaruang baril ay biglang pumutok mismo sa bibig ng isang 22-anyos na trike driver sa harap ng kanyang nobya na ikinasawi nito sa Barangay Kanluran sa bayang ito kamakalawa ng gabi.
Sabog ang bibig at namatay noon din ang biktimang si Tony Odvina sa harap mismo ng kanyang nobya na si Jenny Ligaya, 25.
Napag-alaman sa ulat ni PO2 Marcelo Bersamina na sinundo ng biktima ang kanyang nobya sa pinapasukang restaurant sakay ng kanyang minamanehong tricycle.
Nabatid pa sa imbestigasyon ng pulisya na nakiusap ang biktima kay Ligaya na pumasok sa isang motel sa panulukan ng Barangay Sabang ngunit tumanggi ang babae.
Nairita ang biktima kaya binunot nito ang nakasukbit na baril sa beywang at inilagay sa hita ng babae.
Ilang minuto pa ang nakalipas ay nagtanong ang babae sa biktima kung papaano paputukin ang baril kaya inalisan nito ng bala at itinutok sa bibig.
Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay biglang pumutok ang hawak na baril sa bibig na pinalalagay ng pulisya na may naiwang bala kaya maagang nakalawit ni kamatayan ang biktima. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended