Vendor kinidnap at pinatay
August 7, 2002 | 12:00am
CAMP PANTALEON GARCIA, Cavite Isang fish vendor ang kumpirmadong nasawi makaraang pagbabarilin ng dalawang holdaper na sakay ng motorsiklo habang nakasakay sa tricycle ang biktima at bumabagtas sa kahabaan ng Brgy. Sta. Clara, Gen. Trias, Cavite kahapon ng madaling-araw.
Idineklarang patay sa ospital si Eugenio Jasco, Sr., 47 ng Brgy. Luzviminda I, Dasmariñas, Cavite, samantala, nadakip naman ang mga suspek na sina Manuel Sayson, 33 ng Brgy. San Juan, Gen. Trias at Jose Noli Amarilla, 42 ng Brgy. Ligtong 3, Rosario, Cavite sa isinagawang follow-up operation sa Brgy. Batong Dalig, Kawit, Cavite.
Base sa imbestigasyon ng pulisya, hinarang ng mga suspek sakay ng motorsiklo (XA-8881) ang sinasakyang trike ng biktima bandang alas-3 ng hapon na may kasamang dalawa saka kinuha ang halagang P3,700.
Dahil sa nanlaban sa mga suspek ay napilitang pagbabarilin hanggang sa mapatay ang biktima. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 5 hours ago
By Cristina Timbang | 5 hours ago
By Tony Sandoval | 5 hours ago
Recommended