Kuya kinatay ng bunso
August 6, 2002 | 12:00am
LIGAO CITY Labinlimang taga at saksak sa ibat ibang bahagi ng katawan ang tinamo ng 37-anyos na magsasaka mula sa kanyang nakababatang kapatid na pinaniniwalaang may kapansanan sa pag-iisip matapos na dumaan ang biktima sa harapang kinauupuan ng huli sa kanilang bahay sa Brgy. Herrera sa lungsod na ito kahapon ng tanghali.
Ang katawan ng biktima na halos nagkahiwa-hiwalay ay nakilalang si Severino Monasterial, may asawa, samantala, ang suspek na ngayon ay nakapiit sa police detention cell ay nakilalang si Henry Monasterial, 35, binata, jobless at bagong labas sa Phil. National for Mental Health Hospital at kapwa residente ng nabanggit na barangay.
Naganap ang krimen dakong alas-12 ng tanghali habang naglalakad ang biktima at mapadaan sa harap ng suspek na may hawak na dalawang itak.
Napag-alaman sa ilang kapitbahay ng magkapatid na walang imik na pinaraan ng suspek ang kanyang kuya at nang makalampas ay pinagtataga na ang biktima sa hindi maipaliwanag na dahilan.
Tinagpas ang tenga, ulo saka isinunod ang tiyan ng biktima ngunit walang nagawa ang mga nakasaksi sa krimen kundi ang tawagin ang ilang brgy. opisyal at pulisya upang humingi ng saklolo. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest