Isang pamilya nalitson sa sunog
August 5, 2002 | 12:00am
CEBU CITY Walang nagawa ang mag-asawang matanda at anak nito sa kalawit ni kamatayan makaraang malitson sa naganap na sunog sa Sitio Lower Kawayan, Brgy. Sambog II ng lungsod na ito kamakalawa ng hapon.
Halos hindi na makilala ang mga biktimang sina Jose Miel, 70, asawa nitong si Patronita, 75 at anak na si Leonides, 57, ng nabanggit na barangay.
Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, nagsimulang kumalat ang apoy dakong alas-2:30 ng hapon na naging dahilan upang madamay ang may 200 kabahayan kabilang na ang bahay ng mga biktima.
Ayon sa ulat ng pulisya, nagsimula ang apoy sa bahay na pag-aari ni Crisanta Giholpe.
Inilikas na sa sports complex ng naturang barangay ang 250 pamilya na naapektuhan ng sunog. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended