Trader kinidnap, pinatay
August 5, 2002 | 12:00am
GENERAL TRIAS, Cavite Dahil sa hindi napaunlakan ang hinihinging pabor ay nagawang dukutin saka patayin ang isang negosyante ng apat na kalalakihan habang ang biktima ay nagpapahinga sa kanyang bahay sa Brgy. San Francisco 2 sa bayang ito kamakalawa ng gabi.
Ang biktima na natagpuang tadtad ng tama ng bala ng baril sa ibat ibang bahagi ng katawan partikular na sa ulo ay nakilalang si Rafael Caparas, 42, may asawa at kasalukuyang chairman ng peace and order sa Sunny Broke Subdivision sa nabanggit na barangay.
Samantala, tatlo sa apat na suspek na ngayon ay tinutugis ng pulisya ay nakilalang sina Loreto Mascardo, alyas Larry, Sabino Pagkalinawagan, alyas Kote at Emeng Santiago.
Base sa inisyal na pagsisiyasat ni SPO1 Roberto Lanzaga, pinasok ng apat na suspek ang bahay ng biktima bandang alas-8 ng gabi habang nakahiga sa loob ng kanyang bahay.
Ilan sa mga nakasaksi ang nagsabing isinakay ang biktima sa puting kotse na walang plaka at dinala sa hindi nabatid na direksyon.
Ayon pa sa ulat ng pulisya, kinaumagahan ay natagpuan ang bangkay ng biktima sa isang liblib na lugar sa Sitio Panuka, Brgy. Llana, Trece Martirez City.
Kasalukuyang inaalam ng mga imbestigador ang tunay na motibo ng krimen sa mga kapitbahay upang tumibay ang kaso laban sa tatlong suspek na nakilala. (Ulat ni Cristina Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest