^

Probinsiya

Ambulansiya sinuwag ng bus, 2 patay

-
SAN FERNANDO CITY, La Union Dalawang kawani ng ospital ng gobyerno ang namatay, samantalang dalawang iba pang kawani ng municipal agriculture ang nasugatan noong Biyernes nang ang kanilang sinasakyang ambulansiya ay sinalubong ng isang pampasaherong bus sa highway sa Sta. Rita, Agoo kahapon.

Ayon sa ulat ng pulis, papuntang Maynila noon ang sinasakyan ng mga biktima na ambulansiya nang bigla na lamang silang salpukin ng higanteng bus ng Martines Bus Trans na papuntang Norte na naging dahilan sa agarang kamatayan nina Panhito Pillos at Anderson de Vera, driver at mekaniko ng Dingras District Hospital ng Ilocos Norte. Nasugatan din sila Cesar Derado, Municipal agriculturist ng Dingras at ang kanyang aide na si Carlo Parado.

Ayon sa ulat, ang mga biktima sakay ng ambulansiya na dadalhin sana nila si Derado sa isang pagamutan sa Maynila nang bigla na lamang silang maaksidente. Nabatid sa mga imbestigador na ang Martines Bus Trans ay umiwas sa isang nakahambalang na malaking kahoy sa kalsada ngunit nasalpok naman niya ang ambulansiya na nagresulta sa pagkamatay ng dalawang biktima.

Inaalam pa ng mga police investigators kung may nasaktan sa mga pasahero ng bus. (Ulat ni Myds Supnad)

vuukle comment

AYON

CARLO PARADO

CESAR DERADO

DINGRAS DISTRICT HOSPITAL

ILOCOS NORTE

LA UNION

MARTINES BUS TRANS

MAYNILA

MYDS SUPNAD

PANHITO PILLOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with