Mag-asawa naholdap ng P.150-M
August 3, 2002 | 12:00am
CAMP HENERAL ALEJO SANTOS, Bulacan Tinatayang aabot sa halagang P150, 000 cash at mamahaling alahas ang naholdap sa mag-asawa makaraang harangin ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan sakay ng dalawang motorsiklo sa kahabaan ng highway na sakop ng Brgy. Wakas, Bocaue, Bulacan kamakalawa ng tanghali.
Kinilala lamang ng pulisya ang pangalan ng mister na si Gerald Santos, 33, isang engineer ng nabanggit na barangay.
Base sa ulat na isinumtie kay P/Sr. Supt. Edgar Acuña, Bulacan PNP provincial director, nag-withdraw ng malaking halaga sa Metro Bank sa naturang brgy. ang mag-asawa bago sumakay ng kanilang Suzuki Vitara jeep.
Ayon pa sa ulat ng pulisya, binaril ng mga holdaper ang gulong ng sasakyan ng mag-asawa kaya napatigil sa kahabaan ng highway saka isinagawang limasin at tangayin ang malaking pera at alahas na kanilang suot.
Kasunod nito, isang trike driver naman ang kumpirmadong nasawi makaraang holdapin din ng limang kalalakihan habang minamaneho ang kanyang tricycle.
Si Bernardo Garcia, 37, may asawa ng Brgy. San Gabriel, Malolos, Bulacan ay hinoldap bago pinagtulungang saksakin hanggang sa mapatay.
Nadakip ng pulisya ang tatlo sa limang suspek na sina Allan Amoco, 20; Rolan Bandila, 20 at Joey Cabrerra, 25, na pawang nagmula sa ibat ibang bayan ng Bulacan. (Ulat ni Efren Alcantara)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended