Mag-asawa tinaga, mister patay

LINGAYEN, Pangasinan – Pinagtataga ang mag-asawa sa loob ng kanilang bahay ng hindi pa nakikilalang lalaki na ikinasawi ng lalaki at ikinasugat naman ng malubha ng babae noong Lunes ng hapon, Hulyo 29, 2002 sa Brgy. Nancayasan, Urdaneta City.

Idineklarang patay sa Don Amadeo Perez, Sr. Memorial Hospital si Wahab Malawani, 30, samantala, ang asawang si Yolanda Malawani ay kasalukuyang inilipat sa Region I Medical Center sa Dagupan City.

Inaalam ng pulisya ang motibo ng krimen na naganap habang natutulog ang mag-asawa sa kanilang maliit na barung-barong at naiwan pa ng suspek ang duguang 20 pulgadang itak na ginamit sa pananaga. (Ulat ni Cesar S. Ramirez)

Show comments