Trader pinatay ng 3 holdaper
August 2, 2002 | 12:00am
CATAINGAN, Masbate Isang 45-anyos na negosyanteng lalaki ang kumpirmadong napatay ng tatlong hindi kilalang armadong kalalakihan matapos na harangin ang sinasakyang cargo truck at pagtulungang saksakin sa kahabaan ng national highway na sakop ng Sitio Busay, Brgy. Pawican sa bayang ito kamakalawa ng hapon.
Tadtad ng saksak sa katawan ang biktimang si Gilbert Canoy, may asawa ng naturang barangay, samantala, ang tatlong kasama nito ay nagpanakbuhan upang iwasan ang mga suspek na armado ng patalim.
Napag-alaman sa ulat ng pulisya na binabagtas ng apat ang naturang highway sakay ng cargo truck na may plakang TPK-166 patungong Placer mula sa Masbate City nang harangin ng mga holdaper bandang alas-3 ng hapon.
Bago takasan ang isinagawang krimen ng mga holdaper ay kinuha pa ang malaking halaga na pinalalagay na puhunan ng biktima sa pangangalakal.
Kaagad naman naipagbigay alam sa pulisya ang pangyayari kaya mabilis naman nakapagresponde ngunit hindi na inabutan ang mga nagsitakas na holdaper.
Gayunman, isa sa mga helper ng biktima na si Boboy Santisima ay hindi pa nagpapakita sa mga awtoridad upang magpaliwanag sa naganap na krimen na pinalalagay na may kinalaman sa pangyayari. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended