Dahil sa hindi na matagalan ng biktimang itinago sa pangalang Shiela ang ginagawang kahayupan ng sariling ama ay nagpasyang magsumbong sa kanilang brgy. chairman upang pormal na magsampa ng kaso.
Kasalukuyan namang nakapiit ang suspek na si Celso Arevalo, 45, isang drayber na nahaharap sa kasong multiple rape, child abuse na may kaparusahang bitay.
Base sa inisyal na imbestigasyon ni SPO1 Walter Basto na siyam na taong gulang pa lamang ang biktima ay ginawa na siyang sex slave at nitong mga huling araw ay nagdesisyong ibulgar ang kahayupan ng kanyang ama kahit pinagbabantaan siyang papatayin. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)