Rapist na ama hinatulang mabitay
July 31, 2002 | 12:00am
SAN MATEO, Rizal Hinatulan kahapon ng bitay ang isang 50-anyos na ama matapos na mapatunayang ginahasa nito ang sariling anak na babae sa bayang ito.
Sa 12-pahinang desisyon ni Judge Jose Reyes, Jr, ng San Mateo Regional Trial Court Branch 76, hinatulang mabitay si Rodolfo Wenceslaco ng Gitnang Bayan 1, San Mateo.
Bukod sa hatol na bitay, pinagbabayad din ng korte ang akusado ng halagang P120,00 sa biktima bilang danyos perwisyo.
Lumalabas sa record ng korte, sinimulang isinagawa ang maitim na balak ng akusado sa sariling anak noong siyam na taong gulang pa lamang at ngayon ay 13-anyos na.
Hindi naman kaagad nakapagreklamo ang biktima dahil sa pinagbabantaang papatayin ang kanyang ina at kapatid na babae.
Pinahalagahan naman ng korte ang testimonya ng nakatatandang kapatid na babae ng biktima na naaktuhan niya sa loob ng kanilang bahay ang maitim na balak ng akusado. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest