^

Probinsiya

P.1-M naholdap sa gasolinahan

-
BACOOR, Cavite — Tinatayang aabot sa halagang P.1 milyon ang natangay sa isang gasolinahan ng anim na holdaper sa kahabaan ng Green Valley Subdivision, Brgy. San Nicolas 3 sa bayang ito kamakalawa ng umaga.

Dalawa sa mga suspek ay nakilalang sina Arnel Daza at Richard Sikuya na bago tumakas ay kinuha pa ang baril ng guwardiya ng Jetti gasoline station bandang alas-10:20 ng umaga.

Base sa ulat ng pulisya, isa sa mga suspek ay pumasok sa convenience store ng naturang gasolinahan bago dumating ang isang kotseng Mitsubishi na kulay blue (GND-345).

Kaagad na tinutukan ng baril ng isa sa mga suspek ang sekretaryang si Jocelyn Hernandez saka pilit na pinabubuksan ang vault na kinalalagyan ng pera.

Dahil sa takot ni Hernandez ay napilitang buksan ang vault na naglalaman ng malaking halaga.

Mabilis namang kinuha ang P.1 milyon saka nagsitakas sa hindi nabatid na direksyon.

Narekober ang kotse na ginamit na get-away ng mga holdaper sa Gardenia Valley Subdivision. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

vuukle comment

ARNEL DAZA

BRGY

CAVITE

CRISTINA GO-TIMBANG

DAHIL

GARDENIA VALLEY SUBDIVISION

GREEN VALLEY SUBDIVISION

JOCELYN HERNANDEZ

RICHARD SIKUYA

SAN NICOLAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with