Ayon sa ulat, noong Marso 23, isang military plane na pinaniniwalaang bahagi ng exercises ang nakitang nagtapon nang isang silver-coated drum sa Mt. Sinomaan, Patikul, Sulo.
Lumisan umano ang mga residente sa nasabing lugar dahil sa takot na naglalaman ng mga explosive devices ang nasabing itinapong drum.
Samantala, noon naman umanong Abril 13, ay nagtapon din ang ilang US spy planes ng ilang drum na pinaniniwalaang may lamang toxic waste sa coastal water ng Barangay Etub-Etub, na nasa bayan ng Sumisio.
Mismong si Basilan Gov. Wahab Akbar ang nagkumpirma sa ISM kaugnay sa nasabing pagtatapon ng spy planes.
Kabilang din sa natuklasan ng kanilang grupo ay ang pagtaas ng bilang ng mga human rights abuses na inihain sa Commission on Human Rights sa Zamboanga City.
May mga residenteng natuwa sa pagdating ng mga Amerikano sa Mindanao ngunit mayroon din natakot nang magsagawa ang mga ito ng training gamit ang tunay na bala. (Ulat ni Malou Rongalerios-Escudero)