Mag-amang namanhikan pinagtataga
July 27, 2002 | 12:00am
BASUD, Camarines Norte Nakikipaglaban ngayon kay kamatayan ang isang 19-anyos na lalaki habang ang kanyang ama ay ligtas na sa kamatayan matapos na pagtatagain ng dalawang suspek habang ito ay namamanhikan sa Purok 2 Brgy. Guinatungan ng nasabing bayan kamakalawa ng gabi.
Ang biktima ay nakilalang sina Rodolfo Soriano, 46-anyos at ang anak na si Rogelio, 19, magsasaka kapwa residente ng Brgy. Guinatungan.
Ang mag-amang suspek ay nakilalang si Jose Bermil, 48-anyos na agad na nadakip ng mga awtoridad habang ang anak nito ay nakilalang si Zaldy Bermil ay patuloy na nagtatago sa batas.
Sa panayam ng PSN kay SPO1 Juanito Bocatcat, may hawak ng kaso, nabatid na bandang alas-7:45 ng gabi, habang ang dalawang biktima ay kasalukuyang nasa bakuran ng pamilyang Marcaida upang mamanhikan ang batang Soriano (biktima) ng biglang dumating ang mag-amang suspek na armado ng itak.
Mabilis na inundayan ng taga ang mga nabiglang biktima sa ibat ibang bahagi ng katawan na mabilis na isinugod sa Camarines Norte Provincial Hospital habang ang dalawang suspek ay agad na tumakas.
Nasa kritikal na kondisyon ang batang Soriano sanhi ng malalim na tama ng taga sa batok, ligtas na sa kamatayan ang matandang Soriano matapos na magtamo ng taga sa noo at ibang parte ng katawan.
Hindi pa malaman ng mga awtoridad ang tunay na motibo ng nasabing pananaga. (Ulat ni Francis Elevado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended