Municipal councilor todas sa ambush
July 26, 2002 | 12:00am
STO. DOMINGO, Nueva Ecija Tinambangan at napatay ang isang municipal councilor ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan habang ang biktima ay nagmamaneho ng kanyang sasakyan papauwi sa boundary ng Brgy. Mambarao at San Pascual sa bayang ito kamakalawa ng hapon.
Idineklarang patay sa Sto. Domingo District Hospital ang biktimang si Luisito S. Sigua, 42, may asawa, dating pulis at residente ng Sitio Bega, Brgy. Mambarao sa bayang ito.
Samantala, ang mga suspek na sakay ng kulay maroon na kotse na walang plaka ay mabilis na nagsitakas patungo sa direksyon ng Quezon, Nueva Ecija.
Ayon sa impormasyong nakalap ng pulisya, papauwi na ang biktima mula sa regular monthly meeting sa munisipyo ng Sto. Domingo at binabagtas ang kahabaan ng national road sa naturang lugar.
Biglang hinarang ng mga suspek ang sasakyan (CLE-352) ng biktima bandang alas-2 ng hapon saka niratrat.
Nabatid pa sa ulat ng pulisya na kahit na may tama ang biktima ay nakalundag pa sa kanyang sasakyan bago nakapasok sa bahay ng isang nagngangalang Chito Alcantara kaya naman naisugod kaagad sa nabanggit na ospital.
May palagay ang pulisya na pulitika ang nasa likod ng krimen dahil sa nag-iisang kasapi sa partido Lakas-NUCD ang biktima. (Ulat ni Christian Ryan Sta.Ana)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest