5 preso pumuga
July 25, 2002 | 12:00am
DAVAO CITY Limang preso na may mga kasong nakabinbin sa korte ang iniulat na nakapuga mula sa malayong municipal jail sa Malita, Davao del Sur noong Lunes, Hulyo 22, 2002.
Sa naantalang ulat mula sa Southern Mindanao PNP command sa Camp Caitipan, ang mga pumugang preso ay nakilalang sina Dionesio Culas (theft), Doydoy Latang (murder), Dondon Enrique (murder), Manuel Balco (cattle-rustling) at Gordon Congo (robbery with attempted homicide).
Gayunman, si Congo na nagtungo sa kanyang malapit na kamag-anakan sa Sitio Sigalig sa Brgy. Bulila ay kaagad naman nadakip ng mga tumutugis na pulisya.
Nadiskubre ang pagpuga ng mga preso makaraang mapansin ng guwardiya ang butas sa selda, isang oras matapos maganap ang jailbreak na pinaniniwalaang nilagare ang rehas na bakal. (Ulat ni Edith Regalado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended