Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Radil Ramos, 39, asawang si Rosalie, 33, Mariano Ortaliza, 48, retiradong sundalo at asawang si Belen, 53 na pawang residente ng nabanggit na barangay.
Sinabi ni P/Sr. Supt. Roberto Rosales, Quezon PNP provincial director na may dalawang buwan ding isinailalim ng kanyang mga tauhan ang mga suspek dahil sa impormasyong nagpapakalat ng droga sa ibat ibang bayan at karatig pook.
Dahil sa positibo ang nakalap na impormasyon ay nagpalabas ng search warrant si 4th Judicial Region Judge Gregorio Villanueva, Branch 30 ng San Pablo City laban sa mga suspek kaya naisagawa ang raid dakong alas-5:24 ng umaga.
Nakumpiska sa dalawang mag-asawang suspek ang walong pirasong plastic packets ng 300 gramong cocaine, 42 plastic packets ng shabu, 2 units ng digital weighing scale, gunting, 200 pirasong walang lamang packets, mga bala ng kalibre 45, 9mm baril at halagang P31,000 na pinaniniwalaang mula sa ibinentang droga.
Masusi namang isinailalim sa interrogation ang mga suspek kung may kaugnayan ang mga ito sa nakumpiskang 480 kilong shabu na nagkakahalaga ng P2 bilyon mula kay dating Panulukan Mayor Ronnie Mitra na nasabat sa Brgy. Kiloloran, Real, Quezon noong Oktubre 2001.(Ulat nina Tony Sandoval at Celine Tutor)