^

Probinsiya

2 mag-asawa tiklo sa P1.6M droga

-
CAMP NAKAR, Lucena City — Tinatayang aabot sa halagang P1.5 milyong high grade cocaine at P.1 milyon shabu, ang nasabat sa dalawang mag-asawa ng pinagsanib na puwersa ng Quezon PNP, 416th PPMG at Southern Luzon Command sa isinagawang biglaang pagsalakay sa Brgy. Bantilan, Infanta, Quezon kahapon ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Radil Ramos, 39, asawang si Rosalie, 33, Mariano Ortaliza, 48, retiradong sundalo at asawang si Belen, 53 na pawang residente ng nabanggit na barangay.

Sinabi ni P/Sr. Supt. Roberto Rosales, Quezon PNP provincial director na may dalawang buwan ding isinailalim ng kanyang mga tauhan ang mga suspek dahil sa impormasyong nagpapakalat ng droga sa iba’t ibang bayan at karatig pook.

Dahil sa positibo ang nakalap na impormasyon ay nagpalabas ng search warrant si 4th Judicial Region Judge Gregorio Villanueva, Branch 30 ng San Pablo City laban sa mga suspek kaya naisagawa ang raid dakong alas-5:24 ng umaga.

Nakumpiska sa dalawang mag-asawang suspek ang walong pirasong plastic packets ng 300 gramong cocaine, 42 plastic packets ng shabu, 2 units ng digital weighing scale, gunting, 200 pirasong walang lamang packets, mga bala ng kalibre 45, 9mm baril at halagang P31,000 na pinaniniwalaang mula sa ibinentang droga.

Masusi namang isinailalim sa interrogation ang mga suspek kung may kaugnayan ang mga ito sa nakumpiskang 480 kilong shabu na nagkakahalaga ng P2 bilyon mula kay dating Panulukan Mayor Ronnie Mitra na nasabat sa Brgy. Kiloloran, Real, Quezon noong Oktubre 2001.(Ulat nina Tony Sandoval at Celine Tutor)

BRGY

CELINE TUTOR

JUDICIAL REGION JUDGE GREGORIO VILLANUEVA

LUCENA CITY

MARIANO ORTALIZA

PANULUKAN MAYOR RONNIE MITRA

QUEZON

RADIL RAMOS

ROBERTO ROSALES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with