Empleyado ng bangko natangayan ng P.5-M
July 24, 2002 | 12:00am
BACOOR, Cavite Tinatayang aabot sa halagang P.5 milyon ang natangay sa isang empleyado ng bangko makaraang holdapin ng anim na hindi kilalang armadong kalalakihan sakay ng motorsiklo sa Brgy. Poblacion, Bacoor, Cavite kamakalawa ng hapon.
Kinilala ng pulisya ang naholdap na biktima na si Arthur Castor, marketing asst. ng Sta. Rosa Rural Bank na magdedeposito ng malaking halaga sa katapat na bangko kasama ang isang sekyu na si Antolin Ferrer.
Sa ulat ni PO2 Ernesto Caparas, bandang alas-2:30 ng hapon nang harangin ng mga holdaper ang mga biktima habang papatawid na may dalang bag na naglalaman ng P.5 milyon.
Walang nagawa ang dalawa kundi ibigay ang pera dahil sa tinutukan sila ng mga holdaper sakay ng motorsiklo (TT-3632) na ginamit din sa krimen sa MJJ Hardware sa Green Valley, San Nicolas 3, Bacoor, Cavite kamakailan. (Ulat ni Lanie Mate-Sapitanan)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended