Naagnas na ang bangkay ni Felimon Tabuso, 31, may asawa, magsasaka ng matagpuan ng mga residente dakong alas-5 ng hapon may ilang metro lamang ang layo sa kanyang bahay.
Sa ulat ng pulisya, huling nakitang buhay ang biktima na masayang naglalakad papauwi dakong alas-7 ng gabi noong Hulyo 19 dahil sa pagkapanalo nito sa eleksyon ngunit dinukot naman ng mga hindi kilalang kalalakihan na pinaniniwalaang kasapi ng rebeldeng New Peoples Army (NPA). (Ulat ni Ed Casulla)