^

Probinsiya

2 suspek sa Gensan bombing, timbog

-
CAMP FERMIN LIRA, General Santos City – Dalawang pangunahing suspek sa General Santos City bombing noong Abril na ikinasawi ng labinlima katao, ang iniulat na dinakip ng pulisya sa magkahiwalay na dragnet operation sa Maguindanao at General Santos City kamakalawa.

Kinilala ni P/Sr. Supt. Bartolome Baluyot, Central Mindanao PNP director, ang mga suspek na sina Abdulbasit Batabol Usman, 28, alyas Abu Ahmad ng Brgy. Bentung, Polomolok, South Cotabato at Moamar Timbao Esmael, 25.

Ayon kay Baluyot, si Usman na dating lider ng rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at bomb expert ng mga bandidong Abu Sayyaf group ay inutusan saka binayaran ni Mohammad Noor Umog, alyas Abu Muslim Al-Ghazie na pasabugin ang Fitmart Department Store sa Gensan.

Si Umog ay nadakip noong Mayo 22 ng mga operatiba ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at kasalukuyang nahaharap sa kasong kidnapping, murder, rape at carnapping.

Base sa ulat, si Usman ay dinakip sa kanyang hideout sa Brgy. Kauran, Ampatuan, Maguindanao dakong alas-5 ng hapon, samantala, si Esmael naman ay nasakote sa national highway ng Calumpang, General Santos City kahapon dakong alas-9:30 ng umaga habang nagmamaneho ng van na may plakang LDF-330). (Ulat nina Boyet Jubelag at Danilo Garcia)

ABDULBASIT BATABOL USMAN

ABU AHMAD

ABU MUSLIM AL-GHAZIE

ABU SAYYAF

BARTOLOME BALUYOT

BOYET JUBELAG

BRGY

CENTRAL MINDANAO

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DANILO GARCIA

GENERAL SANTOS CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with