Trak nahulog sa bangin: 3 katao todas
July 23, 2002 | 12:00am
TALISAY CITY, Cebu Tatlo katao kabilang ang isang menor-de-edad na lalaki ang kumpirmadong nasawi makaraang mahulog sa bangin ang trak na kanilang inangkasan sa lungsod na ito kahapon ng madaling-araw.
Hindi na umabot pa ng buhay sa Vicente Soto Memorial Medical Center sina Ricarte Remejio, 14, isang nagngangalang Solebidad, 22 at hindi nakilalang lalaki na may edad na 18-anyos.
Samantala, nakaligtas naman sa tiyak na kamatayan ang drayber na si Limbert Remejio.
Sa ulat ng pulisya, naganap ang sakuna bandang alas-3 ng madaling-araw habang bumabagtas ang trak sa malubak na kalsada ng Campo Siete patungong Toledo City.
Nahirapan ang makina ng trak na may kargang buhangin at bato dahil sa papaakyat at zigzag na kalsada kaya nagkamali ng kalkulasyon si Limbert na naging sanhi upang dumulas ang gulong at bumulusok sa malalim na bangin. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest