Pamilya nakuryente: 3 patay, 1 grabe
July 23, 2002 | 12:00am
HERMOSA, Bataan Tatlong miyembro ng pamilya ang kumpirmadong nasawi, samantala, isa pa ang nasa kritikal na kondisyon matapos na aksidenteng makuryente habang nagsasampay sa loob ng kanilang bahay sa Tagumpay Subdivision, Brgy. Burgos, Hermosa, Bataan noong Linggo ng umaga.
Kinilala ng pulisya ang mga biktimang sina Wilfredo Dayo, 37, trike driver, asawang si Helen, 30, isang fishball vendor at anak na si Darlin, 7, grade 1 pupil, samantala, si Darwin Dayo, 10 ay nagtamo ng sunog sa katawan na ngayon ay inoobserbahan sa Orani District hospital.
Sa inisyal na pagsisiyasat ni PO3 Danilo Dayao, kasalukuyang inaayos ni Wilfredo ang sampayan ng mga damit sa loob ng kanilang bahay dahil sa malakas na buhos ng ulan.
Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay biglang nahawakan ni Wilfredo ang talop na linya ng kuryente na naging sanhi upang magkikisay siya.
Nakita naman ni Helen ang asawa na nagkikisay kaya tinangkang tulungan ngunit nakuryente rin dahil sa baha sa loob ng kanilang bahay.
Nadamay din ang anak na si Darlin na nooy hawak ni Helen habang sumasaklolo sa asawa, samantala, si Darwin ay nasunog ang buong katawan at nasa kritikal na kondisyon. (Ulat ni Jonie Capalaran)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
19 hours ago
Recommended