Si Barangay Chairman Arsenio Vengco ng Brgy. Partida 2 sa bayang ito ay nakakuha ng botong 133 laban sa kanyang kalabang si Cipriano Hormase na nakakuha lamang ng botong 55 sa kabuuang 188 voters sa kanilang barangay.
Sinabi naman ni Brgy. Chairman Carlito Pascua ng Brgy. Macacatuit na hindi naging hadlang ang pagkawala ni Vengco noong Hulyo 12, 2002 na tatlong araw na lamang bago idaos ang brgy. eleksyon at sa halip ay nanalo pa kahit na hindi na nakapangampanya.
Ayon sa isang kapitbahay ni Vengco na tumangging magpakilala, isang hindi kilalang boses babae ang tumawag sa telepono sa biktima na humihingi ng tulong.
Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay nagpaalam na lamang ang biktima sa kanyang mga anak na kapag hindi siya bumalik ay humingi na lamang ng tulong sa pulisya upang siya ay hanapin na pinanalagay na dinukot ng hindi kilalang grupo.
Dahil sa pagkawala ni Vengco ay itinalaga ni Guimba Mayor Jose "Bopet" Dizon bilang brgy. chairman ng naturang lugar si Councilor Abelardo Nere. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)