Beerhouse sa Subic bawal na sa mga sundalong Kano
July 20, 2002 | 12:00am
SUBIC BAY FREEPORT Siguradong hindi na magagawa pang makapagliwaliw ng mga sundalong Amerikano na makapag-R & R (Rest and Recreation) matapos na magpalabas ng isang mahigpit na kautusan na nagbabawal sa kanila na pumunta sa mga beerhouse at higit sa night spots sa labas ng Subic Bay Freeport.
Ito ang mahigpit na kautusan ni US Navy Commodore Charles Montoglio, over-all-in-command nang bagong dating na batch sa may 1,400 sundalong Kano kaugnay sa kasalukuyang ginaganap na RP-US Bilateral Military Exercise na "Cooperation Afloat Readiness and Training-2002" (CARAT-02) sa Subic at sa iba pang lugar sa Central Luzon.
Ayon kay US Navy Lt. Leslie Hull-Ryde, Public Information Officer ng Logistics Group Western Pacific (LOG-WestPac), binawalan umano sila ng nabanggit na opisyal dahil ang pagpunta nila dito ay ang "purely work related" na ang ibig sabihin ay hindi na magkakaroon ng pagkakataon na magpunta ang mga ito sa mga night spots upang magliwaliw. (Ulat ni Jeff Tombado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended