Kaya napagpasyahan ng Commission on Elections (Comelec) na mag-toss coin competition na kapwa sinang-ayunan naman ng dalawang nanalong brgy. chairman.
Sina re-electionist Barangay Chairman Delfin Lacuesta at challenger Richard Tipay ay kapwa nakakuha ng botong 174 sa nakalipas na brgy. eleksyon.
Dahil sa kapwa maginoo ay nagpasyang sumang-ayon sa huwestiyon ng election registrar na mag-toss coin contest.
Pinili ni Lacuesta sa isasagawang toss coin ay ang mukha (cara), samantala, si Tipay naman ay buntot (cruz).
Matapos ang pilian ay kaagad na inihagis ang coin at bumagsak sa kamay ng hindi binanggit na poll official saka lumabas ang mukha kaya idineklarang nanalo si Lacuesta sa ginanap na neck-to-neck electoral match.
Naging sport naman si Tipay at kinamayan si Lacuesta bilang nanalong chairman, bagamat malungkot ay payapang tinanggap ni Tipay ang pagkatalo kahit na nag-aksaya siya ng pera at hirap sa pangangampanya.
Nag-thumbs-up naman si Edna Garcia, Comelec Tarlac City chief sa resulta ng toss coin na sinaksihan ng mga village poll official at taumbayan.(Ulat ni Benjie Villa)