Bahay ng tagasuporta ng nanalong chairman, sinunog

BALENO, Masbate – Walang magawa ang pamilya na sumuporta sa nanalong brgy. chairman matapos na sunugin ang kanilang bahay ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan na pinaniniwalaang mga tauhan ng opisyal ng lokal na pamahalaan sa Brgy. Docol sa bayang ito kamakalawa ng gabi.

Hindi na nakuhang maisalba pa ang mga gamit sa bahay ng pamilya ni Dinong Capinig dahil sa mabilis na pagkalat ng apoy sa buong kabahayan, naganap dakong alas-10 ng gabi.

Nabatid sa ulat ng pulisya na bago nagsitakas ang mga armadong kalalakihan ay nagpaputok pa ito ng baril sa ere ngunit wala naman sinaktan sa pamilya ni Capinig. (Ulat ni Ed Casulla)

Show comments