^

Probinsiya

Misis sinamurai ni mister, patay

-
ILIGAN CITY – Sinamurai hanggang sa mapatay ang isang school teacher ng kanyang mister na nagtangka namang mag-suicide dahil sa natunugang hihiwalay siya ng asawa kamakalawa sa lungsod na ito.

Kinilala ni P/Chief Insp. Ronnie Calungsod, hepe ng pulisya sa lungsod na ito, ang biktima na si Felipa Lluisma, samantala, ang suspek na kasalukuyang nasa kritikal na kondisyon sa ospital ay nakilalang si Benjamin Lluisma, 51, isang empleyado ng lokal na pamahalaan at kapwa residente ng Orchid Homes Subdivision, Brgy. Santiago sa lungsod na ito.

Napag-alaman sa imbestigasyon ng pulisya, nairita ang suspek dahil sa nabalitaan nitong nag-file ng leave of absence ang kanyang misis sa pinapasukang eskuwelahan at planong humiwalay sa hindi nabatid na dahilan.

Kaagad kinuha ng suspek ang mahabang samurai saka kinompronta ang asawa hanggang sa pagtatagain ito at mapatay ang asawa.

Matapos na mapatay ang kanyang misis ay nagtangkang itong mag-suicide sa pamamagitan ng pagsaksak sa sarili ng samurai, ngunit naagapan naman ito ng mga nagrespondeng kapitbahay. (Ulat ni Lino dela Cruz)

BENJAMIN LLUISMA

BRGY

CHIEF INSP

CRUZ

FELIPA LLUISMA

KAAGAD

KINILALA

MATAPOS

ORCHID HOMES SUBDIVISION

RONNIE CALUNGSOD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with