Mag-ina binaril ng talunang chairman

GUIMBA, Nueva Ecija – Nagawang pagbabarilin ang mag-ina ng talunang barangay chairman na ikinasawi ng anak na lalaki, samantala, ikinasugat naman ng malubha ng ina nito habang nakikipagtalo sa loob ng eskuwelahan sa Brgy. Manacsac sa bayang ito kamakalawa ng gabi.

Idinekalrang patay sa Guimba District Hospital ang biktimang si Dennis Geronimo, binata, samantala, nakikipaglaban naman kay kamatayan ang inang si Zenaida Geronimo, isang poll chairwoman ng nabanggit na barangay.

Mabilis namang tumakas ang suspek na si Vicente Fernando, Jr., 38, may asawa ng naturan ding lugar na ngayon ay tinutugis ng pulisya.

Napag-alaman sa pulisya, naganap ang krimen bandang alas-8:30 ng gabi makaraang magtalo ang suspek at mag-ina sa isinasagawang bilangan sa loob ng Manacsac Elementary School matapos ang brgy. eleksyon. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

Show comments