^

Probinsiya

Ambus: 7 grabe, 2 nawawala

-
STA. CRUZ, Marinduque Pito katao ang malubhang nasugatan, samantala, dalawa pang iba ang nawawala makaraang tambangan ng mga rebeldeng New People’s Army habang sakay ng truck ang mga biktima at bumabagtas sa kahabaan ng Mogpog, Sta. Cruz, Marinduque kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga biktimang sina PFC Amelito Gracio, Donato Panopio, Lorna Jalimbawa, election officer, Renante Manina, Mario Malinao, Romulo Sanchez at Joseph Jamig na pawang kasapi ng CAA.

Samantala, sina Reynaldo Malilom at isang nagngangalang Cadiz na kapwa kasapi rin ng CAA ay iniulat na nawawala matapos ang pananambang.

Base sa ulat nina Major General Roy Kyamco, Southern Luzon Command chief at P/Supt. Benjamin Belarmino, Regional Operational and Planning Office (ROPO) chief, naganap ang pananambang bandang alas-8 ng gabi habang binabagtas ang kahabaan ng naturang lugar na may dalang ballot boxes patungo sa provincial capitol.

Nagawa namang gumanti ng putok ang mga nasugatang biktima kaya kaagad namang umatras ang mga rebelde sa hindi nabatid na direksyon. (Ulat nina Ed Amoroso/Tony Sandoval at Danilo Garcia)

vuukle comment

AMELITO GRACIO

BENJAMIN BELARMINO

DANILO GARCIA

DONATO PANOPIO

ED AMOROSO

JOSEPH JAMIG

LORNA JALIMBAWA

MAJOR GENERAL ROY KYAMCO

MARINDUQUE

MARIO MALINAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with