Kinilala ni P/Sr. Supt. Rodolfo Mendoza, Pangasinan PNP provincial director, ang mga nasawi na sina Municipal Councilor Bayani Tenorio Aguilar, 32 at Magno Pascual, 52, isang empleyado ng lokal na pamahalaan.
Napag-alaman kay Mendoza na binaril ni Aguilar si Pascual kaya kahit may tama ng bala ng kalibre 45 baril ay nakuha pa nitong tagain ng jungle bolo ang una hanggang sa kapwa duguang bumulagta ang dalawa.
Kasunod nito, niratrat naman ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan na pinaniniwalaang mga tauhan ng mayor, ang bahay ni Dr. May Paa Agpoon, 38, may asawa sa Carriedo St. sa bayang ito dahil sa alitan sa kandidatura ng kanilang anak sa pagka-brgy. chairman.
Sa mga ulat na natanggap ni Mendoza na may nagaganap na malawakang vote-buying sa ibat ibang bayan at lungsod sa lalawigan ng Pangasinan.
Base sa ulat ng provincial Comelec, 49 barangays mula sa 153, ang sinuspinde ang eleksyon dahil sa baha. (Ulat ni Eva de Leon)