^

Probinsiya

Jailbreak: 8 preso pumuga

-
CANTILAN, Surigao Del Sur – Walong kilabot na preso ang iniulat na pumuga buhat sa provincial jail matapos na samantalahin ang kaluwagan ng seguridad, kahapon ng madaling-araw.

Nakilala ang mga tumakas na sina Gaudencio Layno (murder), Elesio Macuray (murder), Peter Sandaya (murder), Pedro Lantaca (frustrated murder), Romualdo Salumon (rape), Arturo Juba (rape), Armerson Morante (carnapping) at Junmar Morante (carnapping).

Sa ulat na ipinarating sa Camp Crame, naganap ang pagpuga ng mga preso dakong alas-3 ng madaling-araw mula sa loob ng Cantilan Provincial Sub-Jail.

Pinasimulan umano ang pagkakataong makatakas ni Layno, isang dating miyembro ng CAFGU na nahatulan ng 10-17 taon na pagkakulong sa kanyang kaso kamakailan. Sinamantala nito ang pagkakatulog ng kanilang guwardiya na si PGI Huberto Diaz.

Winasak ng mga preso ang kalawanging rehas na bakal ng selda at isa-isang tumalon nang hindi nalalaman ng mga nakatalagang guwardiya.

Kasalukuyang nagsasagawa na ng pursuit operation ang pulisya upang muling madakip ang mga preso. Nakikipag-ugnayan ngayon ang mga awtoridad sa mga kamag-anak ng mga tumakas na isuko ang kanilang mga kapamilya upang hindi pa lalong lumala ang kaso ng mga ito. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

ARMERSON MORANTE

ARTURO JUBA

CAMP CRAME

CANTILAN PROVINCIAL SUB-JAIL

DANILO GARCIA

ELESIO MACURAY

GAUDENCIO LAYNO

HUBERTO DIAZ

JUNMAR MORANTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with