^

Probinsiya

91 kandidato suportado ng NPA rebels

-
CAMARINES NORTE – Umaabot sa siyamnapu’t-isang kandidato ng brgy. at Sangguniang Kabataan elections ang iniulat na sinusuportahan ng mga kasapi ng rebeldeng New People’s Army (NPA) mula sa 282 barangays sa labingdalawang bayan sa lalawigang ito.

Sa naging pahayag ni P/Sr. Supt. Florencio Magundayao, PNP provincial director na may tatlumpu’t-anim (36) na kandidato sa pagka-brgy. chairman, Limampu’t apat sa brgy. kagawad at isa sa SK ang sinuportahan ng NPAs sa hindi nabatid na dahilan.

Sa bayan ng Labo ay aabot sa labingdalawang kandidato sa brgy. chairman at isang kandidato sa SK mula sa Daet ang mahigpit na sinuportahan ngayon ng mga rebelde upang matiyak ang panalo.

Siyam na bayan na kinabibilangan ng Labo, Capalonga, Jose Panganiban, Paracale, San Lorenzo Ruiz, Basud, Mercedes, Daet at Sta. Elena ay isinailalim sa double red alert dahil sa itinuturing na hot spots, pahayag ni Major Jose Pardo ng 203rd Infantry Battalion ng Phil. Army.

Kasunod nito, Ipinuwesto na ang karagdagang tatlong batalyong sundalo ng Phil. Army sa Camarines Sur, Sorsogon at Masbate upang matiyak at hadlangan ang anumang kaguluhang ihahasik ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA). (Ulat nina Francis Elevado/Danilo Garcia)

CAMARINES SUR

DAET

DANILO GARCIA

FLORENCIO MAGUNDAYAO

FRANCIS ELEVADO

INFANTRY BATTALION

JOSE PANGANIBAN

LABO

MAJOR JOSE PARDO

NEW PEOPLE

SAN LORENZO RUIZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with