Abra mayor inambus,ligtas
July 14, 2002 | 12:00am
CAMP DANGWA, La Trinidad, Benguet Nakaligtas sa tiyak na kamatayan ang isang mayor at labing-apat pa nitong kasamahan makaraang tambangan ng hindi nabatid na bilang na rebeldeng New Peoples Army (NPA) sa Sitio Tapayan, Brgy. Alawa, Tineg, Abra noong Biyernes ng umaga, Hulyo 12, 2002.
Base sa ulat na nakarating kay Lt. Col. Juanito Dalmas, 17th Infantry Battalion commander, nang mailigtas ng kanyang mga tauhan si Tineg, Abra Mayor Clarence Benwaren, kasama pa ang may labing-apat na empleyado na pawang mga sugatan.
Nakipagpalitan naman ng putukan ang mga escort ni Mayor Benwaren laban sa mga rebelde kaya napilitang umatras.
Nakaligtas lamang si Mayor Benwaren dahil nagpagulong-gulong siya sa gilid ng kalsada kaya nagtamo ng maraming sugat sa ibat ibang bahagi ng katawan ngunit ligtas sa kapahamakan. (Ulat ni Artemio Dumlao)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended