Killer ng Vietnamese national, tiklo

CAMP VICENTE LIM, Laguna Nasakote ng mga operatiba ng Laguna-Intelligence-PNP ang isa sa mga killer ng Vietnamese student na nagtatrabaho dito sa bisinidad ng Masinag Market, Brgy. Mayamot, Antipolo City, kahapon.

Kinilala ni P/Director Domingo Reyes Jr., regional director ng Southern Tagalog ang suspek na si Joey Dela Cueva, pansamantalang naninirahan sa Malanday, Marikina City at tubong Bay, Laguna.

Base sa record ng pulisya, si Phan Dinh Tuan ay papasok sa kanyang trabaho sa IRRI experimental Farm na pag-aari ng UPLB nang harangin nina Joey Dela Cueva; Mario Caliwagan at Willison Villegas sa Brgy. Paciano, Rizal, Bay, Laguna at dito pinagsasaksak ng dalawang beses ng mga suspek at pinagnakawan matapos mabilis na tumakas sa hindi malamang direksyon.

Si Dela Cueva at Caliwagan ay nagpalipat-lipat sa Batangas, Laguna, Metro Manil at Bataan habang pinaghahanap ng mga tauhan ng Laguna-PPO.

Natunton ng mga tauhan ng Laguna-Intelligence sa pangunguna ni Supt. Rafael Aguilar si Dela Cueva sa pangalang Alex Punzalan sa Talisay St. Libis, Bulelak, Malanday, Marikina City. (Ulat ni Ed Amoroso)

Show comments