Obrero inilibing ng buhay
July 12, 2002 | 12:00am
GENERAL TRIAS, Cavite Dahil sa inakalang magnanakaw ang isang obrero na nakatayo sa harap ng pamilihang bayan ng Imus, Cavite ay dinukot ng mga hindi kilalang kalalakihan kabilang ang isang brgy. kagawad saka inilibing ng buhay sa madamong lugar sa Brgy. Pasong Camachile sa bayang ito.
Ang biktimang si Roderick M. Contreras, 24, ng Block E-42, Lot 7, Brgy. San Lorenzo Ruiz, Dasmariñas, Cavite ay tatlong araw ng nawawala bago pa mahukay ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) sa nabanggit na barangay.
Pansamantalang hindi ibinunyag ang pangalan nang dinakip na brgy. kagawad upang hindi masunog ang isinasagawang follow-up operation sa mga natitira pang suspek sa krimen.
Base sa ulat ni Danielito Lalusis, hepe ng NBI sa Cavite, nagreklamo ang asawa ng biktima sa kanilang tanggapan upang humingi ng tulong na makita ang kanyang asawang nawawala.
Nagawang madakip ng mga ahente ng NBI ang isa sa mga suspek dahil na rin sa kasama ng biktima noong maganap ang pangyayari. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended