Sa simpleng seremonya, ang dokumento para sa 3,800 sako ng bigas ay tinanggap ni DSWD Assistant Sec. Ruth Layug at sinaksihan nina Region 3 DSWD Dir. Florita Villar, Bataan Vice-Gov. Rogelio Roque, Zambales Gov. Vicente Magsaysay, Bulacan Vice-Gov. Relie Aurello, SBMA Dep. Adm. for Ports Sonny Canlas at iba pang opisyal ng DSWD at SBMA.
Sinabi ni Payumo na ang mga bigas na nakasilid sa 10 container vans ay bahagi ng mga kumpiskadong bigas mula sa Thailand at inabandona ng consignee ng mahigit na isang taon.
Inihahanda na rin ng SBMA ang dokumento ng may 500 bagon (vales) ng mga kumpiskadong used clothing na matagal nang pinababayaan ng mga nagmamay-ari nito upang ipamahagi na rin sa mga biktima ng kalamidad at iba pang institusyon ng kawanggawa ng pamahalaan.
Ipinaliwanag pa ni Payumo na bago tuluyang ilabas ng Subic Freeport ang mga bigas ay isasailalim muna ito sa pagsusuri ng mga technician ng National Food Authority (NFA) upang matiyak ang kaligtasan ng publiko. (Ulat ni Jeff Tombado)