^

Probinsiya

5 kidnaper nalambat sa Mindoro

-
CAMP VICENTE LIM, Laguna – Limang kasapi ng kidnap-for-ransom gang na responsable sa pagdukot sa isang elementary school principal ang kumpirmadong nasakote ng pinagsanib na puwersa ng PNP Regional Intelligence and Investigation Office-4 (RIIO) at 411st Provincial Mobile Group sa kanilang safehouse sa Pinamalayan, Oriental Mindoro noong Linggo, Hulyo 7, 2002.

Kasalukuyang nakapiit sa PNP detention cell ang mga suspek na sina Pepito Iglecerio, 46, anak nitong si Rico Mendoza Iglecerio, 19, FO1 Rolando Soriano Labay, 27 na nakatalaga sa Roxas Municipal Fire Station, Sulpicio Fajutag, 28, ng Brgy. Sagana at ang lider ng KFR na si Redentor Bagaporo Paguita, alyas Lawin, 32, ng Brgy. Salcedo, Bunsod, isang negosyante.

Sa isinumiteng ulat kay P/Supt. Benjie Belarmino, hepe ng Regional Operation and Detection Office (RODO), dinukot ng mga suspek si Romeo Bayanay noong Lunes, Hulyo 1, 2002 sa Brgy. Labasan, Bongabong, Oriental Mindoro.

Si Bayanay, 48 na punong-guro sa Labasan Elementary School sa Bongabong ay pinalaya lamang ng grupo ni Paguita matapos na magbayad ng halagang P1 milyon ransom.

Ayon pa sa ulat ng pulisya, naganap ang payoff sa Pambisang Munti, Pinamalayan at makaraang palayain ang biktima ay nasundan ng mga awtoridad ang dalawang kidnaper kaya natunton ang pinagkukutaan ng iba pang kasama. (Ulat nina Ed Amoroso/Danilo Garcia)

BENJIE BELARMINO

BONGABONG

BRGY

DANILO GARCIA

ED AMOROSO

HULYO

LABASAN ELEMENTARY SCHOOL

ORIENTAL MINDORO

PAMBISANG MUNTI

PEPITO IGLECERIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with