Si Obe Lupak, 36, binata, isang taga-suporta ni Brgy. Captain Rene Luzara ay binaril ng rebelde matapos na tumangging umatras sa kandidatura si Luzara.
Samantala, ang isang rebelde na napatay naman nang nagrespondeng pulisya matapos na makarinig ng putok sa bahay ng brgy. captain ay inaalam pa ang pagkikilanlan.
Nabatid sa ulat ng pulisya, pumasok ang mga rebelde sa bahay ni Luzara dakong alas 8:45 ng gabi upang pagsabihan na umatras na sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan election.
Dahil sa pagtanggi ni Luzara ay binaril ng mga rebelde si Lupak na nooy nasa bahay niya.
Narinig naman ng mga pulis ang putok kaya kaagad naman nagresponde hanggang sa magkapalitan ng putok saka nagsitakas ang mga rebelde ngunit nakatiyempo naman si Luzara na makalundag ng bintana kaya nakaligtas sa tiyak na kamatayan. (Ulat ni Ed Casulla)