3 todas sa road mishap

NAIC, Cavite – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang negosyanteng babae ng hindi pa nakikilalang holdaper makaraang manlaban ang biktima sa loob ng palengke sa bayang ito kamakalawa ng gabi.

Hindi na umabot pa ng buhay sa ospital ang biktimang si Mercedez Padohino, 48 ng Brgy. Ibayo Silangan ng naturang lugar.

Sa inisyal na pagsisiyasat ni PO3 Deogracia Cebu, kalalabas pa lamang ng biktima mula sa kanyang tindahan sa pamilihang bayan ng Naic nang harangin ng hindi kilalang lalaki dakong alas-6 ng gabi.

Tinangkang manlaban ng biktima dahil sa inaagaw ang bag na may malaking halaga sa maghapong kinita subalit bigla na lamang itong binaril. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

Show comments