^

Probinsiya

Libong residente sa Olongapo inilikas na

-
Tinatayang aabot na sa 1,000 katao at may labingwalong pamilya ang inilikas na mula sa iba’t ibang bayan sa Olongapo City dahil sa patuloy na buhos ng malakas na ulan simula pa kamakalawa hanggang sa sinusulat ang balitang ito.

Base sa ulat, apektado ang mga bayan ng Iba, San Marcelino, San Felipe, Sta. Cruz, Dinalupihan, Morong, Layac at Castillejos.

Ang labingwalong pamilyang mula sa bayan ng Sta. Rita ay inilikas na sa Olongapo City National High School dahil sa patuloy na lumalalim ang tubig-baha.

Kasalukuyan naman naka-alerto ang mga awtoridad sa nakaambang pagdaloy ng tone-toneladang lahar mula sa Mt. Pinatubo.

Kasunod nito, apektado rin ng tubig-baha ang sampung barangays sa Meycauayan, Bulacan ngunit hindi naman naapektuhan ang kahabaan ng MacArthur Highway, ayon sa pahayag ni Norma Luarco ng Bulacan provincial disaster coordinating council.

Ang mga bayang apektado rin ay ang Hagonoy, Paombong, Malolos, Calumpit, Marilao, Bocaue, Guiguinto, Plaridel, Pulilan ngunit walang iniulat na nasawi.

May posibilidad ding lumubog ang ilang bahagi ng Bulacan kapag dumaloy ang tubig-baha mula sa Pampanga at Nueva Ecija dulot ng patuloy na pagbuhos ng ulan.

Nagpalabas na ng malaking halagang pondo si Bulacan Gov. Josie Dela Cruz upang gamitin sa mga naapektuhang pamilya. (Ulat nina Jeff Tombado/Efren Alcantara))

BULACAN

BULACAN GOV

EFREN ALCANTARA

JEFF TOMBADO

JOSIE DELA CRUZ

MT. PINATUBO

NORMA LUARCO

NUEVA ECIJA

OLONGAPO CITY

OLONGAPO CITY NATIONAL HIGH SCHOOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with