^

Probinsiya

Obrero durog ang ulo sa makina

-
DASMARIÑAS, Cavite Napisak ang ulo at lumuwa ang utak ng isang factory worker makaraan itong maipit ng conveyor machine sa loob ng pinagtatrabahuhan nitong pabrika ng toilet bowl, sa Ho Cheng Inc. First Cavite Industrial Estate (FCIE) Brgy. Lancaan I ng bayang ito, kahapon ng umaga.

Ang biktimang tumagal pa ng may 10 minuto bago pa man tuluyang matanggal sa pagkakaipit sa nasabing makina ay nakilalang si Jonathan Urap-Urap nasa hustong gulang, factory worker sa nasabing kompanya.

Sa ibinigay na report ni PO1 Edgardo Gallardo, may hawak ng kaso kay Pol. Chief Insp. John Bulalacao, hepe ng pulisya sa bayang ito, ganap na alas-6:30 ng umaga ng maganap ang insidente kapapasok lamang umano ng biktima at nagtuloy agad ito sa crusher area ng nasabing factory.

Nabatid pa sa kasamahan nito na si Jasper Cristobal, katabi niya lang umano ang biktima at nakipagbiruan pa umano sa kanya, bago dumiretso sa ginagawa nito sa conveyor machine at naaksidente.

Agad umano niya itong tinulungan subalit hindi ito maalis sa pagkakaipit, kung kaya humingi ito ng tulong sa mga kasamahan pero hindi rin ito natanggal. Nagpasya na lamang ang mga ito na putulin na ang belt ng nasabing machine at makalipas ang may 10 minuto ay natanggal din sa pagkakaipit ang biktima, subalit pisak na pisak na ang ulo nito na naging dahilan ng kamatayan ng biktima.

Nabatid pa na ang nasabing conveyor machine ay ang nagdudurog (crusher) ng mga ginagawang toilet bowl sa nasabing pabrika. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

vuukle comment

CHIEF INSP

CRISTINA GO-TIMBANG

EDGARDO GALLARDO

FIRST CAVITE INDUSTRIAL ESTATE

HO CHENG INC

JASPER CRISTOBAL

JOHN BULALACAO

JONATHAN URAP-URAP

LANCAAN I

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with