Apo ginawang sex slave ng lolo

KAMPO HEN. ALEJO SANTOS, Bulacan – Isang 14-anyos na dalagita ang nagsampa ng reklamo laban sa kanyang lolo matapos na gawin siyang sex slave ng tatlong taon sa Brgy. Sta. Lucia, Angat, Bulacan.

Ang suspek na ngayon ay nakapiit ay nakilalang si Jose Galvez, samantala, ang biktima na itinago sa pangalang Cathleen ay luhaang nagbigay ng salaysay kay P/Sr. Supt. Edgar Acuña, Bulacan PNP provincial director sa naganap na krimen noong pang 1999 kapag siya ay nag-iisang naiiwan sa kanilang bahay. (Ulat ni Efren Alcantara)

Show comments