Ang pinawalan ng mga kidnappers ay ang biktimang si Shoti Ching,
nabawi naman ng mga awtoridad sa hindi binanggit na lugar.
Ayon sa ulat, ang biktima ay inabandona sa hindi nabatid na lugar bago nabawi ng pulisya.
May palagay ang pulisya na natakot ang mga kidnaper kaya pinawalan na lamang ang biktima.
Magugunitang huling nakitang naglalakad ang biktima kasama ang kanyang yayang si Gina Lou Toro-Toro, 15 na papauwi saTulip Drive, Quimpo Boulevard,subalit hindi na ito nakauwi ng bahay.
Ayon sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, ang biktima ay anak ni Johnny Ching na isang mayamang negosyante sa nabanggit na lungsod.
Ipinagbigay-alam naman ng ama sa kinauukulan ang pangyayari dakong alas-8 ng gabi noong Miyerkules matapos na hindi umuwi ang kanyang anak.
Hindi pa nagtatagal ang naganap na pangyayari ay nakatanggap ng tawag sa telepono ang pamilya ng biktima mula sa isang hindi kilalang boses lalaki na humihingi ng halagang P2 milyong ransom kapalit ng kalayaan ng bata.
Subalit nagdalawang isip ang mga kidnappers kaya pinawalan ang bata.
Kaagad naman ipinag-utos ni P/Sr. Alex Paul Monteagudo, hepe ng NAKTAF Mindanao na mangalap ng impormasyon upang mabilis na makilala ang mga kidnaper. (Ulat ni Danilo Garcia)